10 lahat ng Klase

Tsk. Ma’am magkano dito? E dito? E duon? Tanong no more na dahil sa sampung piso lahat eee sampung piso nga lahat!!!! Naman eh!

Aba’t di mo na kailangan bumili ng isang dosena para makamura dahil lahat nga ay sampung piso. San ka pa! Wala ng tawad tawad dito.

Di nga? Oo nga! Kulit! Sinisigaw na nga eh!

Paalala lang.

10 pesos = mura = cheap.

Kaya wag assuming na branded o pangmatagalan ang mga produktong pwede mong bilhin.

Ihanda mo na ang 10 piso mo dahil tiyak na me kapupuntahan na yan!

Bago ang lahat..

Anu-ano nga ba ang mga pwedeng mabili sa halagang sampung piso?
Naku mga ka-divi sasakit ang mata mo kakabasa sa listahan, pakitaan nalang kita ng mga picture ng paninda.

Hmmm yip yip. Ang iba mabibili mo ng dosena o kalahating dosena sa halagang sampung piso. Gara diba!

Pero hindi porket makakamura ka dapat bilin na agad. Bago ang lahat, maging wais.

Mga sulit bilhin:
Panali
Drawing book
Salamin

Mga di kanaisnais bilhin:
Bote (wag magtipid mga mommy pagdating ke baby. Dapat di cheap ang pagaalaga)
Krayola

San pwedeng bumili ng mga sampung piso lahat ng klase?

Tutuban (main entrance. Tapat ng lotto outlet)
Tutuban night market

Ok. Fine. Mura dapat kaya suriin munang mabuti ang napiling items kung may sira o depektibo o hindi makakabuti sa inyo o sa pagbibigyan.

In short

Hindi ka magmumukang cheap pag bumili ka ng cheap items nu! Sadyang may mga gamit lang talagang mura itinitinda para sa mga taong murang produkto ang hinahanap.

Parang smartphone lang yan bes. Di mo naman kailangang bumili ng iPhone kung me Cherry Mobile naman na swak na sa bulsa, nakamura ka pa. Un lang!

#sorryiphone
#nobudgeteh

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply