168: To the Highest Level

Window shopping ba kamo dude? Tsk. Baka paglabas mo ng 168 sangkaterbang items na ang nabili mo.

168 MALL

Naalala mo sinabi ko na di papatalo si 168 ke Tutuban? Kung ang Tutuban naglevel up, ang 168 nag-upgrade to the highest level!

As in to the highest level na mapapatingala ka sa taas ng building nito sa Divisoria ah! Di lang pang mall, pang condo pa!

Mula sa dating may kaliitan at kasikipang mga pasilio ng 168 mall, sino bang mag-aakalang magkakaroon ito ng malaking improvement diba.

Iba na sya! Si 168 mas lalong naging puntahan ng mga tao sa Divisoria dahil sa laki ng kinaganda at dami ng mga stores na pwede mong bilhan.

Kung medyo namamahalan pa sa presyo, edi tumawad ka dude! Uso dito yun!

MABIBILI

Mula sa damit, sapatos, gown, accesories, fast foods, bangko atbp lahat yan andito.

ANONG MERON DITO NA WALA SA IBA

Kung feeling sosy ka naman at gusto mong kada pamimili mo ay pahinga agad edi order na ng condo ng di na maipit sa trapik papunta at pabalik ng 168. Oh diba sosyal. Yan ay kung masyado ka ng napamahal sa kanila.

RATING NG PANINDA

4.5
Presyong pang tawaran mga paninda dito dudes!

RATING NG MALL

4.5
Wag na magtaka!

In short

Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Kung gustong makatipid edi dun ka sa mall na makakatipid ka. Tsk. Ganun lang yun dude. Basta ba bago ka tumingala magmasidmasid ka muna kung me mukang snatcher sa paligid mo.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply