999: Nay, nay nay dito tayo magshopping

Lucky numbers nu? Basta wag lang baliktarin ah!

Tara na sa 999! Ang mall na sasalubong sayo pagbaba mo ng jeep sa Divisoria.

Sino bang di makakapansin dito eh anlaki ng karatula nya. Kung medyo na-stress ka sa byahe mo sis, tara at shopping muna sa 999 ng maging fashionista.

Tsk. Di mo kailangan ng isang libo para sa outfit mo ng isang buong linggo. Dito sa 999 pili ka lang ng gusto mo -> hingi ng tawad -> bili. As simple as that sis.

Wag mo lang kalimutan ang tinuro kong The ARTE of Haggling.

Basta ba hinay hinay ka lang sa pamimili ng hindi maging porma today, pulubi later.

STRUCTURE

Gaya nga ng ibang mall, hindi lang ito nag-iisa dahil twice the paglilibot ang pwede mong magawa.

Meron din tong building 2 sis kung saan karugtong ng 168. Kung wala ang hinahanap mo sa 999, ayun pwede kang dumiretso sa 168.

ANONG MABIBILI

Di tayo matatapos kung iisa-isahin natin ang mga pwede mong mabili sa 999. Basta made in china, meron dito! Fashionista ka ba? Naghahanap ng kotse? Pasok ka dito!

ANONG MERON DITO NA WALA SA IBA

Akalain mo yun sis, magkakaibang mall pero halos parepareho ang tinda nila!

Wag na magtaka dahil 90% sa kanila ay mga intsik na dito sa Pilipinas naisipang magtayo ng negosyo na nakatutulong naman sa atin.

Pero kung ayaw mo ng maglakad ng malayo at makapagpa-aircon agad edi 999 ang mall para sayo!

RATING NG PANINDA

4/5
Mura na makakatawad ka pa!

RATING NG MALL

4 star din!
Presyong nagtitipid ang mga tindahan at malamig pa!

In short

Sis di mo kailangang mag-antay ng Sale sa mga mall bago ka makapamili at lalong di mo kailangang maghanap ng clearance sale ng makatipid talaga. Punta ka lang sa 999 ng maramdaman mong araw-araw sale!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply