Bago Mag-Business Dapat Meron Ka Ng Mga Ganito

Desidido ka na ba talagang mag-business? Yung totoo?

Eh ang naisip mong business desidido na rin ba para sayo?

Sa ibang salita, Meant To Be ba kayo o ikaw lang ang umaasa?

Ahahaha. Diretsuhin na nga natin. Para sayo ba talaga ang business na napili mo?

Kung hindi ka pa gaanong sigurado, mas mabuting alamin mo muna dahil hindi biro ang mag-umpisa ng business sa panahon ngayon.

Hala? Di nga?

Oo nga! Tara na at magpakatotoo!

Presenting..

Bago Mag-Business Dapat Meron Ka Ng Mga Ito

1. Passion

Sabi nga nila, “you should love what you’re doing—–” Isa kang cyclist pero ang itinitinda mo ay swimwear? Wag ganun pare. Dapat ang pipiliin mo ay nakalinya sa gusto mong gawin. Kung actress ka, wag mo ng ipilit na singer ka rin nang hindi mapahiya kay Coach Lea. Ang ibig ko lang sabihin, maging praktikal tayo at let your hobby give you money. Naks. Kasi naman eh self-explanatory na to!

2. Ideas

Ang yelo ba galing sa tubig? Haha. In short, dapat may Ideas ka sa napili mong business. Hindi porket mayroon kang pampuhunan ay kahit ano na lang ang mapili mo. Wag naman ganun. Ibahin mo to sa candy. Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa pinakamalaki dapat alam mo.

Halimbawa:
Kung mga damit ang napili mong i-supply dapat alam mo rin ang iba’t ibang uri ng zipper at tela. Magagamit mo sila sa mga designs mo.

Kung ang napili mo ay plastic, kilala mo rin dapat ang mga tunay mong kaibigan. *Joke*

3. Unlimited Ideas

Naaral mo ng maigi ang produkto o serbisyong ibebenta mo pero dapat hindi ka lang limitado sa mga yan. In other words, alam mo kung paano pa sila palaguin. Marami ka na at marami ka pang paparating na kakumpetensya, unahan mo na sila sa gimmick ng makalamang!

4. Mindset

Success! Success! Success! Hindi ka pa nga nag-uumpisa pinanghihinaan ka na agad ang loob? Asan ang angas mo? Ilabas mo na! Bakit ka pa magpaplano kung iniisip mo rin lang na babagsak din naman pala ang business na napili mo? Wuy! Gumising ka! Importante na positive ka sa larangan na to dahil ikaw ang magdidikta sa galaw ng business mo.

5. Future

Gusto mo siyang business ngayon di ba? Nakahanda na nga ang puhunan mo eh. Eh paglipas pa kaya ng ilang taon gusto mo pa rin kaya sya? Kung oo parin ang sagot mo edi very good pero kung pinag-iisipan mo pa rin kung oo pa rin ba talaga ang sagot pare naku baka madali mo itong pagsawaan at mapabayaan lang. Mukang pababalikin kita sa No.1-Passion.

6. Materials

Sino bang gagawa ng building na walang nakahandang mga pintuan? Kahit gano pa mang kaliit na materyales yan na kailangan sa business mo dapat meron ka! Wag mong isipin na lahat ng kakain sa resto mo ay nagkakamay kaya konti lang ang binili mong kutsara’t tinidor. Wag ganun. Sobrahan mo na ng may pamalit.

7. Marketing

Uy bukas opening na ng business nya pero asan ang mga buyers? Tsk. Alam ba nila ang business mo? Kung pipili ka ng business dapat alam mo rin kung pano ito i-market at sino ang mga target buyers mo. Ganun talaga ang buhay. Kumilos ka rin.

8. Plano

Wag lang sugod ng sugod. Dapat handa ka rin sa mga pwedeng mangyari. Kapag ba hindi pumatok sa mga mamimili susuko ka na agad? Dapat may mga nakareserba kang pamamaraan kung pano mo pa mapagaganda ang estado ng business mo pare. Plan A, Plan B, Plan C – hanggang Plan Z pa yan kung gusto mo. Ang importante may plano ka kung pano magtayo at kung sakaling hindi lumago, may plano ka rin kung paano mag-exit.

Hindi ko alam kung may natutunan kayo pero tingin ko naman kahit konti meron. Yung totoo?

In short

Hindi lang tamang tao ang pinipili, tamang business din.

In shortest short

Wag habambuhay maging tiga sahod lang. Mag-isip na ng business na magchecheck sa binigay na listahan ng Divisoria Tips ng ikaw naman ay maging nagpapasahod din tulad ng amo mo ngayon.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply