Bonggang Change ng Divisoria Malls

Kung si Sarah Geronimo ang mag-eendorse, mapapakanta sya ng,
“You change my life in a moment. Pati ang Divisoria may bonggang change narin ate.”

Kung ang mga nakatatanda satin ang tatanungin masasabi nilang malaki na ang pinagbago ng Divisoria mula nuong Instsik pa ang nagtitinda hanggang ngayong (Intsik parin) naglalakihang malls na ang sasalubong sa kanila.

Bongga na nga ate dahil itong mga malls lang ata ang may discount araw-araw basta alam mo lang kung pano tumawad. Oh diba taob ang mga kilalang malls!

Ano? Gora na sa Divi? Wait lang! Bago kunin ang pitaka, kilalanin muna natin sila isa-isa.

Divisoria Malls

1. Tutuban Center Mall

Sino bang hindi nakakaalam sa Tutuban? Nagtinda. Nasunog (2x). Nagmaganda. Si Tutuban parin sya pero upgraded na dahil malaki na ang pinagbago sa loob at labas kung ikukumpara sa dati. Mas malawak, mas maganda at mas pangpamilya na sya ngayon dahil sa security na pinapakita nila. Nagtatransform din dahil mall sa umaga, midnight sale naman sa gabi. San ka pa diba?

2. 168 Mall

Syempre di magpapahuli si 168 ke Tutuban dahil hindi lang upgraded kundi updated narin sa kung ano ang mabenta ngayon sa mga tao. May mall na, may condo pa. Mula sa dating maliit na mall, nagexpand na kung saan mas marami ng pagpipiliang paninda.

3. 999 Mall

Ooooops wag babaliktarin ng hindi matakot. Ang mall na unang bubungad sayo pagbaba mo ng jeep sa Divisoria. Dami tindera dito dami din kwarta. Basta wag kalimutan ang tumawad.

4. Lucky China Town

Swerte ang numerong 168 at 999 pero ito kinarir na talaga ang swerte dahil nasa pangalan na mismo ang salitang Lucky. Mukang lucky ka nga dito dahil kung hindi masyadong matao, maingay at medyo upper class ng kaunti ang hanap mong mall sa Divisoria e dito ka na. Bukod sa sinehan, may mga restaurant ding pangbagong sahod ang menu.

5. Divisoria Mall

Bestfriend ni Tutuban. Nagtinda. Nasunog. Nagmaganda rin! At bonggang bongga talaga ang change ate dahil sa back to zero ang Divisoria Mall, complete change ang nangyari. Sulit ang mahabahaba mong lalakarin bago makapunta dahil sa ganda at laki ng mall. Huhuhu yun nga lang wala ng nagtitinda ng mga paperdolls at texts. #moveonmoveondinpagmaytime

6. D8 Mall

Kung nanlalamig si bf, wag agad magsungit dahil baka dito lang sya galing ate abat ito na ata ang pinakamalamig na mall sa Divisoria. Gusto rin nitong swertehin dahil sa combination ng dragon at 8. Katulad ng ibang mall sa Divisoria, halos kapareho din nito ang mga paninda at pwedeng tumawad.

Teka, sinong nagsabing pang lowerclass lang ang paninda nila? Alam mo bang ang ibang kilalang personalidad ay sinusuong ang trapik ng Maynila makapamili lang sa mga to.

Di nga? Oo nga! Andyan si Imelda Marcos, si Anne Curtis na naka-disguise atbp.

Ung P500 mong biling dress online ehem baka binili lang yan sa Divisoria sa halagang P150. Minsan ligaw ka sa Divi ng mapatunayan.

See? height mo nalang talaga ang di nagbabago. Hihi Dahil mas nakilala mo na ang mga malls sa Divisoria, pili ka na lang kung san mo gustong makalibre ng aircon ngayong summer. Haha Uy aminin!

In short

Yumayaman talaga ang Intsik sa Pinas nu. Haha. Kung feel mong mag-shopping therapy pero ayaw gumastos ng malaki, sugod na sa Divisoria ng matanggal agad ang stress.

#sidivimaybonggangchangeate

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply