Budgeting teknik ba hanap mo? Aray ko po ang hirap kayang magbudget.
Pero gusto mo? Kung ganun edi gawa ka na ng sarili mong budget teknik na akma sa kinikita, ginagastos at personalidad mo!
Kung dumadating ka sa punto na nagugulat ka na lang dahil wala ka na palang pera, dong panahon na talaga para matuto kang magbudget.
Maraming budgeting teknik na pwede mong gamitin pero kung sa umpisa pa lang pakiramdam mo sa mga unang buwan ka lang makakasunod, edi wag mo na lang gawin. Imbes, gawa ka na lang ng sarili mong guide dahil ikaw mismo ang nakakaalam sa mga gastusin at pangangailangan mo.
Oh di ba me point?
Ibig sabihin ba nun no more malalamig na kape at malalaking burger?? Tsk. Wag mag-alala dahil isasama parin natin yan sa budget mo. Walang tiis tiyan dito.
Isipin mo, ang mga taong ito ay may kanya kanyang priority na paniguradong may higit na nakakalamang sa pinaggagastusan:
Working student
Single mom
Businessman
Traveller
May pinag-aaral na college
May pinag-aaral na kinder
Newlywed
Mayabang
May malaking utang
Di ba? Kaya walang perpektong budget tips na para kanino man kung hindi naman masusunod. Ang solusyon…..gawa ng sariling budget.
Kailangang gamit:
Notebook, at lapis/note taking app (Evernote/Colornote/OneNote
Lalagyan (wallets/envelopes)
Calculator
Bago ang lahat dapat isabulsa mo muna to.
Pre-budgeting Tips
1. Dapat positibo sa pagbubudget.
Sinong maniniwala sayo kung ikaw mismo iniisip mong di ka matututong magbudget.
Lakas makapositive nu.
2. Pag-ipunan ng maaga ang mga darating na bayarin. In english, be ahead of time dong hindi save in the morning.
Alam na mag-aaral ng college ang panganay pero saka na mag-iipon ng pang tuition? Wag ganun. Mas magandang i-budget ang mga darating na bayarin ng di magipit sa oras at pera.
3. I-treat ang sarili pag nasunod ang pagbubudget.
Yun yun oh! Hirap kayang magbudget kaya dapat me reward ka din. Basta ba nakasulat sa budget list mo ang reward at di kukunin sa savings
4. No guts no gain. Magtrabaho ka muna ng me mabudget.
Haha. Anong ibubudget kung walang darating na sahod? Naman eh!
5. Gawing habit ang pagbubudget.
Ang gastusin, bayarin at pag-iipon ay dirediretso kaya dapat pati ang pagbubudget. Wag maniwala sa “walang forever!” Para sa mga losers lang yun!
6. Ibat ibang lalagyan.
Importanteng magkaroon ng kanya kanyang lalagyan ang bawat ililista mo ng hindi magkahalohalo ang pera at organized.
Halimbawa:
Magkaroon ka ng ibat ibang wallet, garapon o bank account na nakalaan lamang sa mga ililista mo.
7. Give a break.
Wag mainggit sa mga Facebook friends mong puro nalang naka out of town. Ikaw mismo ay pwedeng magplano at mag-ipon para sa activity o tour na maari mong/nyong puntahan ng ma-excite magbudget. (Teka, hindi mo ibubudget lahat ng sahod mo para sa excitement mo na yan ah!)
Excited ka na bang magbudget? O ako na-eexcite? Haha.
Divisoria Budget Tips
Larga na!
Step 1
I-categorize at ilista ang mga ginagastos.
Halimbawa:
church (tithes, seed, offering)
bills (electric, water, internet)
investments (stocks, business, life insurance)
savings (emergency fund, savings)
shopping (clothes, shoes)
vacation (trip to baguio, trip to Las Vegas)
groceries (bigas, asukal, partible)
Treat for self (ice cream)
educational investments (tuition fee ni panganay, projects)
retirement (coldcash)
entertainment (sine, games)
Budget of the day (pamasahe, lunch, pang-kendi)
Dahil nga personalized ang pagbubudget, ikaw ang mas nakakaalam ng mga gastusin mo. Yung mga importante muna ang ilista dong. Wag muna isama ang mga eat all you can mong lunch.
Tithes
Electric bill
Water bill
Grocery
Pamasahe
Budget everyday
Savings
Pangarap na ps4
Trip to Hongkong
Step 2
Presyuhan ang mga gastusin
Tithes-2000
Electric bill-1200
Water bill-500
Grocery-2000
Budget everyday-100*26 2600
Savings-2000
Pangarap na ps4-2000
Baon ng mga anak-2600
Tuition fee-10000
Invest-2000
Baguio tour-5000
Budgeting reward-200
Step 3
Sobrahan ng kaunti ang mga kailangang bayaran tulad ng mga bills.
Kunwari ang bill nyo buwan-buwan ay 1200, i budget ito ng 1300 ng sa gayon kapag biglang tumaas ang bill ay hindi ka mawiwindang dahil masisira ang pagbubudget mo.
Dahil may susobra buwan-buwan, asahan mong mayroon ka pa ring pera na nakatabi pambayad kung sakaling bigla kang mawalan ng source of income.
Step 4
Mag-experiment sa tamang presyo para sa bawat category.
Step 5
Lagyan ng powerful words o quote.
Halimbawa:
Discipline. Discipline.
Budget now = SAVINGS/Sosyal = UTANG
Sa pagbubudget may poreber.
Take note
Pagkakuha ng sahod, hati-hatiin na sa mga kapupuntahan. Wag ng antayin pang mabawasan saka ka magbudget dahil baka maubos mo na ang ipangbubudget mo.
In short
Ang mga bagay na gustong makamit pinaghihirapan dong. Hindi porket pa-hard to get sya ay susuko ka na. Syempre mag-iisip ka ng sarili mong paraan para mapadali ang mga bagay-bagay diba. Naks. Two birds in one stone yan!
In shortest short
Iwas utang ka na, nadisiplina ka pa!