D8 Mall: D gr8 mall

Kakasabi ko lang di ba na kung nanlalamig ang bf o asawa wag munang mag-isip ng kung anu-ano dahil baka galing lang syang D8.

Tsk. Di biro ang lamig dito ah dahil ipaparamdam talaga nila sayong di ka nila tinitipid sa aircon.

Dahil katapat ng Tutuban at 168, syempre di papatalo tong si D8 mare! D g8 nga di ba!

D8 MALL

Kung sawa ka na sa ibang naglalakihang mall sa Divisoria, edi dito ka na hanggat di pa crowded at maingay.

MABIBILI

Ano ba hanap mo? Bag? Tsinelas? Sapatos? Gown? O grocery items? Kahit ano pang hanap mo, gawi ka dito! Di pa man puno lahat ng stall nila, marami ka paring mapapamili.

ANONG MERON NA WALA ANG IBA

Pst. Si Aling Puring andito din! Kung murang grocery items o pangtindahan ang hanap mo, ayun ang nasapul nila! Kung naggagandahang gown naman, akyat ka lang sa 3rd floor nila at tiyak magsasampung isip ka kung ano ang dapat mong bilhin.

RATING NG PANINDA

4
Dahil konti ang nagtitinda, konti ang mamimili, tiyak murang presyo ang ibibigay nila sayo!

RATING NG MALL

4
Swak ang mga stores nila sa mga mamimiling swak sa budget ang hanap.

In short

Perfect tumambay dito pag summer. Tsk. Di man kasing laki ng ibang Malls sa Divisoria, baka mahanap mo naman dito ang forever mo…forever mong suki.

#walangsummersad8

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply