Divisoria Mall sa Divisoria

Seryoso ko sa title. Akalain mong ang Divisoria Mall ay nasa Divisoria lang pala.

Nagtinda. Nasunog. Nagmaganda. Kita? Kapatid talaga to ni Tutuban boy!

DIVISORIA MALL

Kung itsura rin lang ang papansinin eh panalo na to! Mula sa dating nakalakihan nating Divisoria Mall (na wala na), mas maganda, malawak at bongacious na sya ngayon.

Pero wag agad mag-alangan dahil pang bargain hunter pa rin to boy!

Weh? Uu nga!

Sulit ang pakikipagsiksikan mo sa Tabora makapunta lang dito. Kung titignan mo sa paligid para itong Mall na naligaw lang sa Divisoria dahil bagong bago!

MABIBILI

Tsk. Mala 168 at 999 na ang itsurahan nito at ang mga paninda, well, pang fashionista na rin! Mas maraming pagpipiliang store, mas maganda!

ANONG MERON DITO NA WALA SA IBA

Eh bat pa pupunta sa Divisoria Mall kung malayo naman?

Ayaw ng adventure? E kung sabihin ko kayang may mga kilalang bandang nagpeperform dito?

Ows?

Yep yep yep! Ginawa ata ang Foodcourt nila na akala mo’y nasa bar ka. With stage on the center! San ka pa? Este san ka na?

RATING NG PANINDA

4
Di na kailangan pang itanong kung bakit, Divisoria Mall na nga ang pangalan ng Mall.

RATING NG MALL

4
Di na rin kailangan pang itanong kung bakit di ba, Divisoria Mall na nga ang pangalan ng Mall.

In short

Wala na atang Divisoria Mall sa Pilipinas bukod dito nu. Kung medyo bored ka na kakashopping ala eh! Maghulog na ng piso sa pisonet nila! Diba! Ito lang ang mall na me pisonet!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply