Lazada Review

Gusto mo bang bumili ng mga bagong gamit pero tinatamad magshopping? Kung ganun Lazada ang the best mall para sayo!

Dito sa Lazada te, hindi mo na poproblemahin kung trapik sa daan o masisiraan ka ng lrt dahil ang pinamili mo mismong item ang kakatok sa pintuan nyo!

Hala? Di nga?

Oo nga! Anu ka ba! Mapaanong item man ang gusto mo, tiyak marami kang pagpipilian sa Lazada.

Presenting…

Lazada: The Ultimate Online Mall

Maipagmamalaki ng Lazada

1. Maraming Produkto

Di na to bago! Kahit anong item man ang hanap mo, malamang meron yan sa Lazada! Kadami nilang kategorya uy!

Bagong damit hanap mo? Marami dito yan!
Collectible items? Baka lumuha mata mo kakabrowse!
Diaper ni bunso? Pili ka na lang ng brand dito!
Boyfriend? Yun lang! Ibang site na ang hanap mo!

2. Maraming Brand

May specific item ka bang hinahanap? Kung meron man edi brand na lang ang poproblemahin mo!

Sandamakmak na brand ang makikita mo dito te!

3. Payment

Kung bayaran ang problema, wag ng mamroblema pa, dahil marami silang paraan para makapagbayad ka sa kanila

Payment Gateways:
Debit and Credit Card
COD (Cash on Delivery)
Bayad Center
Ali Pay
Dragon Pay

Hindi tulad ng ibang online shop at mall jan, may COD o Cash on Delivery ang Lazada! Ibig sabihin pwede kang magbayad kapag dumating na ang item sa bahay nyo!

Sosyal!

4. Refund

Ayaw sa napamiling item? I-refund na yan!
Gustong palitan ang nabiling item? Papalitan na yan!

Bago bumili, siguraduhin munang legible ang tindahan at item na bibilin nyo sa refund and exchange items.

Mas makakamura ka pa sa Lazada kung bibili ka gamit ang Shopback. Isang website at app kung saan namimigay ng rebate sa napamili mong mga items sa Lazada at iba pang partner online store. Hanggang upto 12% to te! Sayang din!

Pros

Maraming items na tinitinda
Madaling bumili
Madaling magbayad
May refund and return
Laging Sale at may Voucher
Free P200 voucher sa bagong member
May Lazada app
User-friendly interface

Cons

Di machecheck ang item bago bumili
Di tulad sa mall, di mo matatanong ang produkto tungkol sa product na bibilin.
Ang ibang item muka lang maganda sa picture at description.

In short

Aanhin mo ang bato kung hindi naman pala ikaw si Darna??? Kung isa ka lang normal na babae edi so be it! Pag konti ang problema, mas nakakaganda. Di ba te?

In shortest short

Wag ka ng magbrowse sa Lazada kung wala ka pa palang budget pambili at baka pati savings mo ay mawaLA ZA DAigdig mo!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply