Magandang Ibenta na Walang Kakumpetensya

Nagpaplano ka bang magtinda online nang magkaruon ng sideline o pwedeng pamalit werk werk werk werk werk?

Eh nakaisip ka na ba ng ititinda?

Eh di ba madami ng nagtitinda online at halos magkakatulad na produkto na ang mga itinitinda? Pansin mo?

Eh.. eh.. eh.. pano ka aangat niyan sa mga buyers?

Edi.. edi.. edi.. solusyunan na natin ang problema mo nang makapag-umpisa ka na sa online business!

Hala! Di nga?

OO nga! Wag nang mag-alala dahil bibigyan ka nitong si Divisoria Tips ng mga idea kung paano lumago sa pagbebenta mapa-online pa yan o offline!

Presenting..

Magandang Ibenta na Walang Kakumpetensya

Ayaw ng masyadong hassle sa pagtitinda? Alok dito, alok dun? Pwes, ibahin natin ang prisensya mo at hayaang ang buyer mismo ang lumapit sayo!

Paano? Ibahin nga natin bro! Dapat hindi tayo kung sinu-sino lang! Yun yun eh!

Dapat maging “unique” sa iyong produkto dahil ito ang hindi kayang kunin ng kakumpetensya mong kapwa seller. Aba, ikaw lang ata ang may utak na ganyan ah! Ang ibig kong sabihin, mag DIY ka o Do-It-Yourself ng ikaw mismo ay maging supplier!

Ilan sa mga Unique Products:

1. T-Shirt Design

Maraming pwedeng pagpiliang t-shirt dyan pero kung ang ibinebenta mo ay walang kapareha at aangat and design sa karamihan, naka-jackpot ka! Sino bang tao ang gustong may kaparehas na design ng damit bukod sa couple shirt diba? Lagyan mo na kagad ng tagline na: Nag-iisa lang ito sa mundo.

2. Pabango

Dahil walang tao ang gustong mabaho sila. Malaki market nito! Believe me! Wala kang talo dito lalo na kung ikaw mismo ang magtitimpla ng pabangong ibebenta mo. Bakit? Kasi unique nga! Ayaw ng tao na may kaparehas silang kaamoy nila ng pabango. Isipin mo un. Kaya damihan na ang recipe ng pabango.

3. Accesories

Tsk. Ang mga babae gusto dun sa porma na mapapansin sila at aangat sa kagandahan. Agree? Kung ikaw ay may mga unique designs ng bracelets, earrings, necklaces o anu pa mang abubot, ikaw ang habol nila! Teka, hindi lang ata mga babae ang hahabol sayo nito.

4. Food

Oo naman kahit saan makakabili ka ng pagkain. Matutulog na nga lang kakain pa di ba? Pero kung ikaw ay masarap magluto at mukang hahanap-hanapin ang gawa, dito ka na! Kahit busog na sila pero gusto talaga nila ang gawa mo, pera yan! Mapa-ulam, cake, cookies, desserts pa yan, handa mo na ang recipe mo!

5. Paint/Draw/Doodle/Calligraphy and the like

May idea ang tao kung paano sila gawin pero may talent ba sila sa paggawa? Dito ka na papasok bro! Hindi man mismong product pero serbisyo (hindi bisyo) naman ang ibebenta mo dito. Yun nga lang ay kung may talent ka rin! Ahaha. Wag kang mag-alalala kung ito ang gusto mong gawin dahil napag-aaralan naman ang lahat ng bagay eh.

6. Sariling Imbensyon

Wag ng maging gaya-gaya ng hindi tuksuhin. Bakit hindi ka na lang mag-isip ng bagay na hindi pa naititinda dahil nasa utak mo pa lang?? Sino ba nagpauso ng selfie stick, portable fan, banana boat at naisip nila yan? Eh diba puro sila ang laman ng mga kilalang online store at mga tiaangian? Kitams? Isip-isip na nang maging inventor na! At syempre magkapera!

Ilan lamang ito sa mga pwede mong ibenta na siguradong wala kang kakumpetensya kung galing mo lang naman ang pag-uusapan. Kung hindi mo sila kaya, pwede namang umatras ng hindi na mapagod.

In short

(Nahuli na may iba)

Siya: Ano bang meron siya na wala ako? Bakit siya parin ang pinili mo?

Ikaw: Sabihin mo na nga sa kanya ng magkaalaman na.

Buyer: Anong magagawa ko eh siya lang ang marunong mag-doodle eh?

Asus. Ayun naman pala!

In shortest short

Sabi sayo eh! Mas ok ang pagtitinda online at offline kung ang gawa mo mismo ang hinahanap! Hanggang sa muli! Gagawa muna ko ng short galing dahon.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply