Magshopping ng magkapera: Shopback Review

Gusto mo bang makamura sa bawat pagshopping mo online bes?

Kung oo ang sagot mo edi magshopback ka na!

Ano ang Shopback?

Hulaan mo… Haha.

Sa title pa lang sis magkakaroon ka na ng clue kung ano ito. Shop+Back = Shopping pabalik??? Hmmm. Hinde!

Ang Shopback ay isang website at application na naglalayong ibalik sa consumer ang ilang porsyento ng kanilang napamili mula partners nilang online store.

Weh?

Oo nga!

Halimbawa:

Ikaw: Ang boring naman! Bibili na lang ako ng bike para me libangan kaya lang mainit sa labas. Oorder na lang ako sa Lazada!

Sa Lazada ang halaga ng nagustuhan mong bike ay 5000. Yan ay kung bibili ka ng direkta sa Lazada.

Pero dahil nalaman mo ang Shopback sa Divisoria Tips, maaring makamura ka pa.

Ikaw: Teka makapunta muna nga sa Shopback!

Aha! Nag-ooffer ang Shopback ng upto 12% sa Lazada kung gagamitin mo ang Shopback na browser para sa Lazada.

Ayun! Babayaran mo ng buo sa Lazada pero pagtapos ng ilang linggo ay ibabalik ng Shopback ang ipinangakong redeemable price ng item mo!

Oh di ba astig!

Ano pang mas sasarap sa sale kung pwede ka pang makahirit ulit da ba.

Ang ilan sa mga partner online store nila ay:
Lazada
Shopee
Zalora
Metrodeal
Traveloka
Agoda
Booking
FoodPanda
HonestBee
Grab
At napakarami pang iba.

Tatlong “Wag Kakalimutan” sa Shopback

Wag masyadong maexcite at baka makalimutan mong magbrowse ng item gamit ang Shopback. Importanteng sa Shopback ka mamimili ng macredit ang nabili mo.

Wag kang magtaka kung pagkalipas ng ilang araw ay hindi pa na-ccredit ang binayad mo dahil sisiguraduhin muna nilang hindi ka magrerefund.

Wag masyadong matuwa at baka naman lahat na partner stores nila ay bilhan mo na ah. Wag ganun!

In short

Wag ng bumili ng bike kung ayaw mo rin lang maarawan sis!

In shortest short

Sabi nga “It’s better to give than to receive” pero ibahin mo ang Shopback dahil dito nagbayad ka na nga, ibabalik pa sayo!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply