The A-Maze-ing Lucky China Town

Amazing talaga tong Lucky China Town! As in A-Maze-ing!

Aakalain mong para kang nasa maze pagpasok mo sa Lucky China Town dahil sa paliku-liko nitong daan besi. A-Maze-ing!


The A-Maze-ing Lucky China Town

Gaya nga ng sinabi ko, kung ang ibang mall tulad ng 999 at D8 ay lucky numbers ang piniling title, ang Lucky China Town kinarir na talaga ang pagiging swerte dahil hindi numbers kundi salita mismong ‘lucky’ ang nasa pangalan.

Muka naman talagang siswertihin ka dito besi dahil iba to!

Kung sawa ka na sa ingay ng mga taong tumatawad sa Divisoria, eto na ang sagot sa dasal mo!

STRUCTURE

Di mo mahanap ang Lucky China Town sa Divisoria! Wag agad mabahala dahil nasa parteng Abad Santos-Binondo ito nakapwesto. Syempre nasa Chinese Community!

Gusto ng adventure? Dito mo yan magagamit dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa…kundi tatlo ang mall ng Lucky China Town! Yes, you read it right. Dito talagang makakapamili ka!

Kung ayaw sa mga signature brands na minsan lang magsale edi tara na at magpunta sa building 2 at 3 nila kung saan pang-tianggian ang presyo!

MABIBILI

Ehem! Dito bawal ang tawad ah dahil pangsosi ang mga stores dito. In short, yung pang bagong sahod. Yung panglibre pag me birthday! Pero kung swak sa budget naman ang hanap di mo na kailangang magpunta sa ibang mall sa Divisoria, punta tayo sa building 3 kung saan makakamura ka.

ANONG MERON DITO NA WALA SA IBA

Ano pa bang meron dito na wala sa iba? Edi Chinese kainan o resto! Handa mo nang ipakita sa mga kaibigan mo ang talent mo sa paggamit ng chopsticks dahil pwede mo yang magamit dito.

RATING NG PANINDA

4.5
Clearance sale o tawad sale man ang hanap mo, pwede yan sa 3 nilang mall.

RATING NG MALL

4.5
Magkano man ang sahod mo sa isang buwan, makakabili ka dito!

Kung medyo mura-murang items at chibugan naman ang hanap, ehem ulit, hindi lang pangsosi ang Lucky China Town dahil meron pa itong Annex 1 at Annex 2 kung saan pangpresyong Divisoria ang bubungad sayo.

Dito mo maipapamalas ang natutunan mong The Arte of haggling from yours truly.

In short

Di mo kailangang magka-chinese passport para makapunta dito nu. Friends tayo eh! Basta ba besi wag dadalin ang pang-tuition ni bunso ng hindi makahakot ng maraming paperbags.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply