Online Stores na Araw-araw Sale

Sinong hihindi sa discounted item? (Kung may pera)

Tsk. Beshi di mo na kailangang mag-antay ng Mall Sale o makipagtawaran sa Divisoria dahil kahit nasa bahay ka lang pwede kang makabili ng discounted items!

Hala? Di nga?

Wag ng magtaka beshi, dahil walang impossible. Kung may hinahanap kang item o naghahanap lang ng mabibili, edi itong mga sites na to muna ang puntahan mo ng di na ma-hassle sa trapik at init sa daan.

Presenting..

Online Stores na Araw-araw Sale

1. Metrodeal

With more than 1 Million Facebook Followers sino pa bang di nakakabili dito? Gaya na nga title, lahat ng makikita mong items sa website nila ay naka sale o discounted na. At hindi lang yan mga ka Divisoria Tips, makakabili ka rin ng discounted services at tours sa kanila. San ka pa diba?

2. Lazada

Malamang di na to bago sa inyo dahil ito pwede nyo ng ipalit sa paborito nyong mall. Lahat na ata ng makikita mong item sa mall itinitinda na rin sa Lazada. Sa ibang salita – “One stop shop” nyo na to! Kung sale naman ang pag-uusapan, ehem laging may sale dito ah! Buhod dun, may voucher pa! Kung new member ka, automatic na bibigyan ka nila ng voucher worth P200 off. Bonga di ba! Hmmm bat di nalang palaging gawing new member ka? Hmmm. Haha.

3. Shopback

Nasa brand na mga ka-divisoria tips! Para to sa mga adik magshopping pero ito ibahin nyo ah! Dahil dito ang binayad mo sa pagbili sa kanila pwedeng upto 12% ang ibalik sayo! Biruin mo un! Pili lang ng shop, bili ng item at mag-antay ka lang ng ilang linggo at pwede mo ng iredeem ang perang naibayad mo! In fairness, ang mga stores nila sikat din tulad ng Lazada, Agora, etc.

Sa panahon ngayon, hindi na lang ang may datung ang pwedeng magshopping dahil ikaw mismo, oo ikaw, ay pwede na ring magshopping kahit nakaupo lang WITH murang pambili pa ah.

In short

Di mo na kailangang maghanap ng mayamang boyfriend kung gagamitin mo lang naman ang pera nya para sa mga luho mo.

In shortest short

Di porket araw-araw may sale online ay bibili ka narin araw-araw. Wag ganun beshi.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply