P10 Lahat ng Klase Suppliers

P10 lahat ng klase? Baka ito na ang negosyo para sayo!

Bossing kung nag-iisip ka kung ano ang magandang inegosyo na pwede mong simulan para sa mga taong murang paninda ang hanap..ehem.. Baka ito na nga ang negosyo para sayo!

Dito walang tawad-tawad.
Dito walang wholesale/retail price.
At dito walang P11 pataas ang bentahan.

Kasi nga P10 lahat ng klase na pwede mong ibenta!

Yakang yaka to ng mga mamimili mo bossing!

Pero bago ka maexcite sasagutin muna ng Divisoria Tips ang mga paniguradong tanong mo.

1. San makakahanap ng P10 lahat ng klase supplier?

Haler! San ba makakamura pero di mapapamura? Edi sa Divisoria! Ito ata ang bagsakan ng mga kung anek anek na pwede mong mabili o mabenta.

2. San banda nga sa Divisoria?

Makakakuha ka ng supplier ng sampung piso lahat ng klase sa Sto. Cristo St. Ito ay tapat mismo ng bagong bagong Divisoria Mall kung saan puro laruan ang bubungad sayo. Maraming toy stores jan na pwede mong puntahan at makahingi ng tawad pero tandaan mo na supplier ang hanap mo at hindi toy store lang ah.

3. Magkano mabibili ang wholesale ng P10 lahat ng klase?

Dahil P10 ang halaga ng ititinda mo syempre mas mababa sa sampung piso ang puhunan jan diba! Pero nasa dami na yan ng bibilin mo at nasa paghingi na yan ng tawad sa nagtitinda. Maari kang makakuha ng P7 pababa basta ba madiskarte ka! Buy in bulks bossing!

4. Anong mga items ang maibebenta sa halagang P10?

Bossing aabutin tayo hanggang bukas kung iisa-isahin natin dahil super dami mong pwedeng pagpilian. Bago ka bumili siyasatin mo muna ang bawat produkto kung kabilibili ba ito sa mga magiging parokyano mo.

5. Magkanong kapital ang kailangan sa pagbili ng paninda?

Tsk. Wag ang Divisoria Tips ang tanungin mo kundi ang sarili mong bulsa. Ang negosyo ay isang sugal kaya ikaw mismo ang nakakaalam kung magkano ang kaya mong ilabas.

6. San ka pwedeng magtinda?

Bossing naman. Nasa sayo na yan! Basta ang piliin mong lugar ay matao at hindi katabi ng supplier mo!!

7. Magkano ang ibibigay na tip sa Divisoria Tips?

Hahahaha. Hindi ata ito joke pero natatawa ko.

Dahil nasagot ko na ang ibang katanungan mo, may ibibigay na Tips ang Divisoria Tips para sayo!

1. Basahin ang porma tips

2. Magcanvass ka muna

Importante to! Magwindow shopping muna at wag magdala ng pera hanggat hindi mo pa talaga alam ang lugar ng kukunin mong supplier at halaga na kakailanganin mong pambili.

3. Magsama ng kakilala

Maraming makikipot na daan sa lumang building katapat ng Divisoria Mall. Hindi mo kakilala ang mga taong makakasalubong mo at lugar na madadaanan mo kaya siguraduhing ipakita sa iba na hindi ka nag-iisa at my knight in shining armor ano man ang mangyari.

4. Maging friendly sa supplier

Iparamdam mo sa future supplier mo na may ilalabas kang pera at seryoso ka sa business na sisimulan mo ng presyong may balik kapital ang ibigay nya sayo.

In short

Tumataas ang mga bilihin sa Pilipinas pero hindi ang sahod ng mga Pinoy. Agree? E bat nagbabasa ka lang jan? Tumayo ka na at magpalakas kay bossing ng taasan naman ang sahod mo! Haha.

In shortest short

Ano man ang negosyong papasukin mo, maglagay ka muna ng kapital ke Lord dahil sa kanya laging may itutubo.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply