Paano Makaka-discount sa Pamimili Online

Gustong maka-discount sa bibiling mga items online?

Ngiti na diyan dahil ibibigay na ng Divisoria Tips ang mga paraan kung paano ka makakamenos in just menutos.

Nakakaengganyo naman talagang bumili online dahil hindi na mapapagod ang paa mo kakahanap ng mga gusto mong bilin at hindi mo na poproblemahin pa ang pagbibitbit.

Pero alam mo ba na may mga paraan para mas mapakinabangan mo pa ang pagbili online?

Weh? Di nga?

Oo nga!

Presenting..

Paano Makaka-Discount sa Pamimili Online

Kung budget-friendly kang tao, ito ang mga bagay na dapat mong sundin sa pamimili online.

1. Sale

Di lang sa malalaking mall may sale mare.

Sahod Days? Holiday Season? Mas maraming araw ang sale ng mga online store kung ikukumpara mo sa mga bigating mall. Matuto lang tyumempo.

2. Voucher

Nagbibigay din ang ibang online store ng voucher kung saan pwede kang makamura sa pagbili.

Wag lang masyadong ma-excite at baka makalimutan mong i-copy-paste ang voucher code mo bago magbayad.

3. Newsletter

Sign up na sa mga newsletter ng mga online store dahil minsan ay namimigay sila ng discount exclusively sa mga nakasign up sa newsletter nila.

Basta mag-check lagi ng e-mail ng updated.

4. Kaibiganin si Seller

Kung kilala naman ang seller, kaibiganin ito lalo na kung siguradong magiging suki ka ng mga panininda niya dahil baka siya mismo ang magbigay sayo ng discount sa pagiging loyal buyer mo.

Sabi ko kaibiganin, wag namang plastikan for the sake of bigyan ka ng discount. Ikaw ah.

5. Hingi ng Tawad

Ok lang namang humirit ng tawad sa seller at baka makalusot.

Kung first time buyer ka, sabihin mo first time mo pa lang gagamit ang ibenibenta niya, patesting muna kaya hingi ng discount.
Kung suki ka na, sabihin mo suki ka na naman at deserve na ng discount.

Haha. Paraparaan.

6. Group Buying Site

Tulad sa Metrodeal, lahat ng makikita mong itinitinda dito ay discounted na. Hindi mo na kailangan pang mag-antay ng sale o humingi ng discount.

7. Rebate Site

Gaya ng Shopback, sa bawat bibilin mong item sa partner store nila ay makakatanggap ka ng rebate.

Eto yung nagbayad ka na, binayaran ka pa.

8. Buy in bulks

Bili na per dozen o half dozen na items online dahil mas mura mo itong mabibili.

Yun nga lang siguraduhin mong kailangan mo talaga ng marami dahil kung hindi, para ka lang nag-aksaya ng pera.

9. Second hand

Kung hindi ka masyadong maselan sa mga damit at gamit, bagay ka dito!

Bili ka ng second hand items at paniguradong makakatipid ka mula 10-90%! Siguraduhin lang na hindi pa luray-luray ang mabibili mo.

10. Search competitors

Hindi porket may nakita ka ng murang item na nagustuhan mo online ay bibili ka na agad.

Hanapin online ang iba pang nagtitinda ng napili mong item dahil baka mas mababa pa ang offer nun sa mga katulad mong buyer.

11. Hindi kapanahunan

Mas mura ang paninda kung wala ganong buyer.

Kapag in demad ang item, tiyak na lalakihan ng seller ang presyuhan kaya wag sumabay sa agos at mauna na.

Ilan sa mga in season:
Christmas decors and foods, School items, aircons and ref(Summer season) atbp.

In short

Kung maigsi ang kumot, wag makikumot. Imbes, maghanap ng paraan kung paano ka makakabili parin online pero sa murang paraan.

In shortest short

Laging daig ng kuripot ang sosyalera!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply