Paano Makakaiwas Magshopping

Nagiging bisyo na ba ang pagshoshopping?

Online o offline shopping man ang nagiging habit mo ngayon, hinay-hinay lang dahil baka magmukha ng tindahan ang bahay mo.

Kung sa tingin mo ay hindi na nakakabuti sa iyo ang ganyang gawain, tutulungan ka ng Divisoria Tips kung paano ito masusulusyunan.

Weh? Di nga?

Oo nga!

Hindi mo na kailangang pang maghanap ng rehab center para sa mga shoppaholic dahil ikaw mismo ang mandidisiplina sa iyo.

Presenting…

Paano Makakaiwas Magshopping

1. Wag ng tumingin sa mga online store at malls.

Sis, iwas sa shopping ang topic natin kaya expect mo na to! Ni sulyap sa kahit anong online store sa cp mo at mall sa bintana ng kotse ay iwasan mo na dahil mamagnetin nila ang paningin at bulsa mo kapag napasulyap ka. Kaya mo yan! Di ka naman ganyan dati eh.

2. Wag narin weekly sa mall.

Day off? Meetings? Family Day? Wag mong gawin yan sa mall! Jusmio! Alam mong hindi ka na muna bibili ng kahit na anong items di ba. Nag-uumpisa ka pa lang magbago, wag mo na munang masyadong subukin ang sarili mo dahil baka makalimutan mo agad ang goal mo kapag nakakita ka ng magandang bilhin.

3. I-uninstall ang mga online store apps, unsubscribe sa mga newsletter at notifications.

Well, no trace of marketing dapat kaya alisin ang mga bagay na magpapaalala o mag-uudyok sayong bumili o magwindow shopping man lang. Marami ka ng damit, gamit at marami ka pang maiipon kung di ka bili ng bili. I-donate mo nalang samin yang pambili mo.

4. Kalimutan ang mga sales, promos, discounts at rebates.

Naku sis wag manghinayang na makaligtaan sila dahil hindi ka talaga makakaipon sa kanila. Sale ang sapatos? Andami mo na kaya niyan. May rebates sa department store? Mas malaki ang matitipid mo kung hindi ka gagastos.

5. Words of positivity and negativity

Laging isipin na alam mong may mali na sa sistema mo at dapat mo itong baguhin. Mag-isip o maghanap ng mga positive quotes tungkol sa pagbabago at negative messages na maidudulot sayo kapag nabigo mong sundin ang goal mo. Ano bang goal mo ulit? Siyempre ang pag-iwas sa pag-shopping.

Paskil mo yan sa kisame mo para yun agad ang mababasa mo pagmulat ng mata, sa wallet para alam mong walang puwang sa budget mo ang pag-shoshopping, cellphone mo para sa tuwing magbubukas ka ng cellphone ay mareremind mo ang sarili na “iwas” ka sa pagshoshopping at kung saan pa mang lugar na alam mong kailangan.

6. Magbudget/Respect your money

Kung di mo naging habbit ang pagshoshopping, malamang marami o mas marami ka pang natabing pera sa bangko o alkansya. Matuto ka ng magbudget sis ng alam mo kung saan dapat mapunta ang pera na ipangbibili mo dapat ng kung anu-ano.

7. Disiplina

Ano ang goal? Makaiwas sa pag-shoshopping! Hindi ko naman sinabing wag ka ng magshopping. Ok lang magshopping pero dapat nasa lugar at budget. Ang amin lang, kung alam mo na sa sarili mong masyado ka ng matutuwa sa pamimili, aba, baka umabot ka na sa puntong hindi mo na makontrol ang sarili mo. Gusto mo pa bang umabot sa ganyan?? Isip isip din sis!

Kaya mo yan! Ikaw pa! Ok lang naman kasi mamili pero yung mamimili ka ng pagkaramirami tapos hindi rin pala magagamit, ibang usapan na yun. Tandaan na lahat ng bagay may purpose.

In short

Wag naman OA sis ah na dumating yung panahong hindi ka na marunong magshopping, pero ok lang dahil papayuhan naman kita kung pano bumalik sa pamimili.

In shortest short

Hanggat maaga, dumisiplina na dahil guilty tayo kapag nagkaruon na rin ng “tokhang for addict shoppers”. Hanggang sa muli sis, magsusukat pa ko ng mga bagay saking dress at stilettos. Babush!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply