Pag may sumingit, may ihihirit

Naranasan mo na bang masingitan sa pila?

Kung oo, nakakabwisit diba. Kung hindi naman, baka nakakatakot kang singitan.

Oo o hindi man ang sagot mo brad, mainam na mabasa mo ang payo ng Divisoria Tips na magandang sabihin sa mga taong mahilig sumingit sa pila. Dapat kapag may sumingit sa pila, meron ka ding ihihirit!

Hala? Di nga?

Oo nga! Basta i-promise mo muna na hindi mo sasabihin sa mga taong:

Buntis o inabutan ng labor dahil sa haba ng pila
Matanda
May kapansanan
Mga inatake sa puso dahil sa haba ng pila
Nagpaalam na kailangan niya talagang sumingit
At sa Divisoria Tips. (Ibalato niyo na sakin ang pila)

Pero sa mga makakapal ang mukha na gustong lamangan (naku nakakapang-init kayo ng ulo) ang ibang taong nagtatyaga sa pila, ito ang dapat sa kanila (katuwaan lang to at wag masyadong seryosohin)

Presenting…

Pag may sumingit, May ihihirit

Mga pwedeng sabihin sa mga taong sumingit sa pila mo brad. Ihanda mo rin ang sarili sa pagdidineny, paggbibigay ng alibi o paghahamon ng away ng taong sumingit.

PAALALA: WAG MASYADONG SERYOSOHIN ANG MGA NAKASAAD NA DETALYE

1. “Hayaan nyo ng sumingit baka natatae na si ate.”

(Sabay hawak sa ilong) kunwari may nangamoy. Bulong bulong sa mga nakapila rin.

Kunwari talagang mabait ka lang na tao pero me resbak.

2. “Baka thunders na. May sariling line mga matatanda miss.”

Pasimpleng bulyaw ke singitera.

3. “Pati sa langit mauna ka na rin.”

Dahil gustong mauna, sige siya dahil baka ibang pila pala ang dapat sa kanya.

4. “I Fb live” (kunwari lang)

Kunin ang cp at pabulong na kunwaring nagsasalitang mag-isa tungkol sa gagawing Fb live na may sumingit. Kakahiya naman kung malalaman pa ng ibang tao na singitera siya diba.

5. Verse may mga tao talagang mapanglamang.

6. Buti pa ang aso natuturuan ng manners, e ikaw?

Para sa medyo galit. Well, may pagkatotoo naman talaga.

7. Iparinig sa mga tao itong script pero dapat friendly ang voice ah.

Pasalamat ka mabait ako at hinayaan kong sumingit ka. Kung ibang tao nasingitan mo baka nabugbog ka na agad at hinding hindi mo na babalakin pang sumingit sa kahit anong pila sa buong buhay mo. Biruin mo yun siningitan mo na ko pero hindi man lang ako nagalit sayo. Tsk. Hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil hinayaan kong sumingit ka?

Tignan natin kung magagawa pa niyang lumingon sa kahihiyan na ginawa niya. Hihi.

8. Habang nasa pila tumawag ng empleyado at tanungin kung ok lang bang may sumisingit sa pila.

Basta ba maririnig nitong si singitera. Kahiya naman kung may makakaalam pang may siningitan siya bukod sayo diba.

9. Kunwari may kinakausap sa cp.

“Ano? Nagugutom ka na? Bibilisan ko ng dalhin sayo tong pagkain kaya lang may sumingit sa pila ko.”

Tapikin ang nakisingit at sabihing “Miss, konting konsensiya naman diyan. Baka pwedeng wag mo kong singitan”

Konting konsensiya naman diyan ate.

10. Daanin sa santong takutan.

Sabihin ke ate na, “Miss, wag mo kong singitan baka ikamatay mo pa yan.”

Katakut.

11. Sumigaw ng “May sumisingit! May sumisingit”

Aba, hindi lang dapat kapag nanakawan ka hihingi ng tulong no.

Hmmm. Nanakawan ka rin pala ng oras. Tsk. Magnanakaw.

12. Sumingit sa harapan niya.

Kalabitin si ate at sabihing, “Idol kita eh kaya gayahin din kita ah.”

Sabay punta sa harapan niya. Tanungin na rin ang ibang nakapila sa likuran mo kung idol din nila si ate.

Utakan lang yan!

Ganun talaga ang buhay. Hanggat makakalamang, manglalamang ang tao. Nasa sayo na yan kung gusto mo bang malamang ka. Kung ayaw mo edi alam mo na ang gagawin!

In short

Kapag ba pogi/maganda ang sumingit pasisingitin mo? Baka sayo naman magamit ang mga linyang yan ng mga nasa likuran mo.

In shortest short

Chillax lang. Wag daanin sa init ng ulo kapag nasingitin ka. Gaya nga ng sabi ng Divisoria Tips, idaan mo sa hirit!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply