Patok na Business Ngayong Rainy Season

May pinag-iipunan? May pinag-aaral? May dream vacation?

Tara nang kumilos para magkapera!

Paano? Hayaan mong tulungan ka ng Divisoria Tips!

Hala? Di nga?

Oo nga! Kesa mainis sa mga paparating na bagyo ngayong rainy season, gamitin ang isip kung paano sila pagkakaperahan.

At dahil binabasa mo to, sasagutin na ng Divisoria Tips ang ilan sa mga pwede mong ibenta at pagkakitaan.

Presenting..

Patok na Business Ngayong Rainy Season

Ulan. Ulan. Ulan. Wag ng mai-stress dahil yan ang magbibigay sayo ng dahilan para kumita. Dahil diyan, kahit sino ay pwedeng bumili ng mga produktong tulad ng mga ito:

1. Payong

Sino bang hindi magdadala ng payong kapag alam na may ulan o ambon diba? Lakas ng kita mo dito lalo na kung ang ibebenta mong payong ay hindi pangkaraniwan.

Hindi pangkaraniwan?? Oo. Imbes na regular lang na payong, ang itarget mo sa puhunan ay yung
kakaiba tulad nito:

Payong na waterproof

Payong na may upuan

Payong na tungkod pa

Kung hindi ka pa pamilyar sa kanila, search na at hanap na ng supplier. Madali kang makakabenta kung with a twist ang tinitinda mo!

Mga taong nangangailangan ng payong:

Lahat (Syempre!)

Secret: Magtinda din ng payong na pambata para may maipapabili si bunso sa mama nya.

2. Kapote

Importante ang payong pero may ibang tao na mas gusto at mas kailangan ang kapote. Naku… lalo na yung mga taong laging naiiwanan ang payong. Kaya mag-hi na sa kapote dahil baka ito ang magbigay sayo ng malaking pera!

Mga taong nangangailangan ng kapote:

Nakamotor

Nakabike

Mountaineers

Tsikiting (para hindi din mabasa ang bag)

Yung mga taong ayaw magbitbit ng payong

Mas ok kung ang ititinda mong mga kapote ay sunod sa uso at kakaiba ang design. Mas kakaiba ang design, mas mapang-akit sa mata ng mga buyer.

3. Bota

Di lang dapat ulo ang pinoproteksyunan dahil pati ang mapuputing paa ay nangangailangan din ng proteksyon. “Linggo linggo kang nagpapa-footspa at nail polish tapos idadaan mo lang sa baha??” Naks! Me tagline ka na agad sa mga kakilala mo niyan.

Mga taong nangangailangan ng bota:

Mga mahilig magpa-foot spa at nail polish

Mga taong binabaha ang bahay

Mga may sugat sa paa

Mga kakilala mong matatanda (wag mo ng itanong kung bakit dahil siguradong alam nila ang sagot)

Mga taong nangangarap magsuot ng bota/fashionable boots.

Mga kakilala mong rodeo at hinete

At para dumami ang mabenta mo, wag ka lang mag-focus sa bota, sa halip, magtinda rin ng fashionable boots na tiyak miski hindi tag-ulan ay susuotin nila bes.

4. Jacket

Tropical Country ang Pinas kaya kung may pagkakataon na makasuot ng jacket, aba sunggab agad yan!

Mga taong nangangailangan ng jacket:

Mga gustong magsuot ng jacket

Mga lamigin

Mga ayaw magsuot ng uniform. (Mag-jajacket para kunwari may suot paring uniform.)

Mga estudyante at employee na walang tuyong uniform. (Mag-jajacket din para kunwari may suot paring uniform. Matalino!)

5. Lahat ng Recheargable at de bateryang gamit

Dahil sa ulan, asahan na nating mauuso ang brown out at black out, kaya bago pa mangyari, pagkaperahan na natin!

Ilan sa mga rechargable at de bateryang gamit:

Flaslight

Lamp

Electric Fan

3 in 1 Lamp/Electric Fan/Radio

Powerbank

Cooler (Me rechargable  ng cooler ah)

Radyo

Mga taong nangangailangan ng rechargable at de bateryang gamit:

Mga taong walang generator sa bahay.

Win-win ang pagtitinda mo sa kanila ng mga yan dahil kumita ka na nga makakatulong ka pa sa kanila na maging handa.

Dagdag kita: Magtinda ka narin ng baterya!

6. Kandila

Para sa mga taong nagtitipid, ito ang hanap nila kaya kikita ka rin dito.

Mga taong nangangailangan ng kandila:

Mga nangangailangan ng kandila (Totoo to!)

Ito naman win-win-win. Nagkapera ka na, nakatulong ka pa, may maibebenta ka pa sa undas kapag may natira. Oh diba!

7. Food Pack

Mas ok ng maging handa. Sa panahon ng tag-ulan daranasin ng tao ang tamad mode o yung tamad magluto ng pagkain, tamad lumabas ng bahay dahil umuulan at tamad maging matapang dahil sa sunud-sunod na kidlat at kulog. Pag andiyan na ang ulan, magpapasalamat sayo sila mommy at nanay ng bonggang bongga.

Mga taong nangangailangan:

Yung mga walang tagaluto

Yung mga nadaan mo sa marketing strategy.

8. Maiinit na Pagkain/Maaanghang na pagkain

Walang ligtas ang mga pagkain sa pagkakaperahan kung tag-ulan din lang ang pag-uusapan. (Fact) Dahil sa ulan nagiging mas gutumin ang mga tao at dahil diyan naghahanap sila ng pagkaing karapat dapat sa taglamig.

Mga Patok na Pagkain sa Tag-ulan:

Lugaw

Sopas

Mami

Ramen

Sotanghon at marami pang iba.

Dahil sa lamig ng panahon, hanap din ng mga tao ang maaanghang na pagkain na siyang magpapapawis sa kanila.

Kaya ihanda mo na ang cooking skills at utensils mo ng pagkaperahan ngayong tag-ulan.

9. Tolda/Tarpaulin

Medyo ihanda mo na ang katawan mo dahil medyo may kabigatan itong isa mo pang pwedeng pagkakitaan pero tiyak naman na malaking tulong ang maibibigay sa mga tao lalo na ngayong tag-ulan. Syempre, laking tulong din sa bulsa mo.

Dahil sa malakas na ulan, maraming tao ang mangangailangan ng tarpaulin na pwedeng maging tagasalo ng tubig ulan na papasok sa loob ng bintana nila.

Para naman sa may mga negosyo o paninda sa kalsada, nangangailangan din sila ng tolda na siya namang magiging pananggala sa ulan.

Oh di ba may sense! Kaya kaysa mainis sa tubig, lamig, baha, brownout at sipon na dala ng ulan, pagkaperahan na lang natin! Tyaga at kapital lang ang kailangan!

In short

Magsulat narin ng kanta pang-ulan dahil tuwing tag-ulan maalala ng mga tao ang sinulat mong kanta! Taun-taon may sales!

Examples: Sumisikat na mga singer tuwing tag-ulan: Regine Velasquez, Bamboo, Apo Hiking Society at napakarami pang iba.

In shortest short

Bago magtinda, mag-invest muna sa magandang kalidad ng tali at plastic dahil baka ang kikitain mo at mabasa at maanod lang ng baha. May sense!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply