Samalamig Business: May Pera sa Pawis

Ang ineeeeeeet!

Haha muntikan ng lumabas ngala ngala ko dyan. Buti nalang hindi ako si Miss Lani Misalucha kung hindi…naku…mapapakanta ko.

At dahil summer na summer na summer na, ehem, tara na’t magkapera!

Sabi nila, ‘May pera sa basura’. Sabi ko naman ‘Gurl, may pera sa pawis!’

Pawis? Oo! Pero hindi ibig sabihin nun magtinda ka ng panyo at bimpo ah. Makinig ka muna.

Pawiin natin ang pawis ng mga tao at magkapera ng sabay!

Pano? I-yelo na yan! Este, i-yell na yan!

Presenting!

(drumroll)

Samalamig business ngayong summer: May pera sa pawis

Maglatag na ng lamesa sa tapat ng bahay at magbenta ng:

Ice candy

Ang pinakamurang samalamig. Hindi ito Mentos o Maxx na nilagyan ng yelo ah. Wag ganun. Dati piso lang ang tinda nito pero ngayon naglevel up na at depende na sa flavor at laki ang presyo.

Tip: Wag ibebenta pag hindi pa nagyeyelo para feel nito ang pagiging ICE candy

Ice cream

Tag-init man o Taglamig, patok to! Sino bang hindi makakahindi sa ice cream e pantanggal stress din to, di ba girls?

Tsk. Di mo na kailangang pumili kung anong tatak ang ititinda mo dahil ikaw mismo pwedeng gumawa ng sarili mong ice cream kahit wala kang ice cream maker.

Flavors:
Chocolate
Cookies and cream
Cheese

Tip: Siguraduhing may freezer bago magtinda ng ice cream. Juskolord naman di ko na kailangang ipaliwanag gurl.

Jelly

Hindi jelly ace gurl. Nag-level up na rin to dahil hindi na lang plain gulaman ang makakain mo. Ano pa mang flavor ang gusto mo pwede yan basta may gatas.

Example:
Choco jelly
Coffee jelly

Shake

Smoothies! Napakadaling gawin basta ba may blender ka sa bahay! Mapa fresh fruits man o favored powdered ang trip mo pwede yan dito!

Naparami ba ang gawa? Edi gawing ice candy!

Example flavors:
Mango
Chocolate
Cheese

Tip: Siguraduhing nakasaksak ang blender bago mo buksan ah ng di mapahiya sa customer.

Con yelo

Walang blender? Edi mag con yelo na tayo girl! Mapaano pa mang sangkap mo ayos lang basta pwedeng lagyan ng gatas.

Example:
Mais con yelo
Milo con yelo

Tip: Gurl, kinayod na yelo ang kailangan hindi tube ice ah.

Halohalo

Ang numero unong hinahanap pag summer. Si Haring Halohalo! Kung ibat ibang lasa ang hanap mo edi halohalo na ang itinda.

Tip: Di porket bibili sila ng halohalo sayo ay ikaw na ang maghahalo. Wag ganun. Hayaan mong magpagod din ang customer maghalo ng sangkap.

In short

Bago ka magtinda ng mga samalamig, siguraduhin mo munang malamig ang ulo mo ah dahil baka ikaw din ang makaubos ng paninda mo. Wag ganun gurl.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply