Successful Online Seller: How To Be You Po

Gusto mo bang maging successful online seller? Kung oo edi umpisahan mo ng magbasa!

Sabi nga ni Confucius ang success is blah blah kaya ngayon pa lang umpisahan mo ng mangarap at magplano.

Para sayo, oo sayo lang, hinanda na ng Divisoria Tips ang Online Seller: How to be you po.

Nakanaks ang gandang pakinggan at syempre gawin. Kaya eto na sila.

Presenting…

Online Seller: How to be you po?


Suppliers

1. Alamin muna ang gustong itinda

Isip na kung ano bang produkto na mabenta at ikaw mismo ay gugustuhing bumili.

Example: Damit, gadget, accesories etc.

2. Hanap ng supplier

Dahil buy and sell ang napili mong kalakaran importante na makahanap ka ng supplier na magbibigay sayo sa produktong gusto mong ibenta sa mababang presyo.

Tips: Wag bumili sa kakumpetensya mo online. Self-explanatory na to bes.

Wag kuning suppliers ang mga nagbabalak magtinda online dahil kaya nilang ibaba ang presyong itinitinda online kesa sayo. (Mas mababa ang kuha nila sa produkto)

3. Buy in bulks

Kaya nga naimbento ang wholesale price. Siguraduhin mong bibili ka ng marami ng makahingi ng malaking discount. Wag muna bibili hanggat hindi nababasa at nagagawa ang number 4.

4. Calculate

Ihanda na ang calculator dahil it’s time to compute na!! I-add mo na lahat ng gastos mo mula sa pamasahe o delivery ng mga produktong bibilhin mo, merienda, pagod at presyo kada items na binili mo. Pag me final verdict ka na sa magiging presyuhan mo ay madali at magsearch na online kung magkano ang pinakamurang presyo na itinitinda ng kakumpetensya mo sa item online. Kung sa tingin mo ay di hamak na mas mababa ang presyo nila kesa sayo…move on na at isip ulit ng iba pang pwede mong itinda.

Online Store

1. Pangalan

Mag-isip ng maganda at catchy na ipapangalan mo sa online store mo. Ikaw na bahala kung related ito sa mga produktong ibebenta mo o random lang. Bes, iwas kunin ang mga sikat ng pangalan ng di mademanda.

2. Image

Maging malikhain sa pagpost ng image brand dahil dito ka matatandaan ng mga suki mo.

3. Contact

Ilagay kung saan ka maaring kontakin ng mga mamili para sa mga katanungan at swestiyon nila. Ipaskil lamang ang numbers at social media account na arawaraw mong chinecheck dahil mahalaga sa customer na mareach ka para sa tanong, suggestion o refund sa item mo.

Items

1. Masterin pros and cons

Magbenta lamang ng mga gamit na ikaw mismo ay alam gamitin at mga troubleshoot dahil ikaw ang unang tatanungin ng customer pagnagkaproblema.

Example: Magbebenta ka ng sewing machine made in japan.

Pros – Alam mo mismo kung pano ito ioperate.

Cons – Sabihin mo na agad sa buyer na made in Japan ang item at kailangan gumamit ng transformer.

Wag mo ng hintayin sa punto na magsisi ang buyer mo at isauli ang paninda mo. Wag ganun bes.

2. Magandang camera

Mag-invest sa gadget na may magandang camera dahil malaki ang pakinabang nito sayo. Believe me, hindi ka makakabenta kung hindi alam ng buyer ang itsura ng binebenta mo. Uso na ngayon ang mala-professional na pagpicture sa items kaya gandahan mo.

Bago ka magpost ng image, siguraduhin mo muna na maganda, malinaw at kaakit akit sa mata ang pagkakakuha mo ng makarami ng suki. Dahil digital na tayo at di na kailangan ng negative, damihan mo na ang shots sa ibat ibang anggulo ng masuri ng mga future buyer bago bumili.

3. Product Description

May bibili ba kung hindi alam ng mamimili ang tinitinda mo? Tsk. Gumawa ng Item description na gugustuhing basahin ng mambabasa. Galingan mo sa paggawa dahil dito nakasalalay kung susuriin pa ba ng buyer ang itinitinda mo.

3. Ipromote

Bes naman. Walang bibili sa paninda mo kung walang nakakaalam. Ipost mo na ito kung saang online store mo napili. Kung gusto mo ng mabilisang benta, ipost mo rin ito sa mga social media accounts mo ng malaman ng friends mo. Pwede ka ring mag-advertise ng makahakot ng ibang tao na pwedeng bumili sayo.

Service

Update profiles

Panatilihing updated ang profiles mo. Kapag may new payment methods ka, ilagay agad. Kapagay di na ginagamit, idelete na. Kapag in vacation mode ka, ipaalam agad ng malaman ni buyer na madedelay ang shipping ng item.

Freebies

Sinong aayaw sa Freebies? Mainam ito sa mga bagong bukas na online store ng tumatak sa isip ng mga online buyers ang online store mo. Pwede rin ito sa mga datihan ng online sellers ng mahikayat ulit ang mga dating online buyers.

Promos/Discount

Minsan hayaan mong ang buyers mo naman ang tumubo sa pagbigay ng Promos at Discount. Walang aayaw pag may sale ah! (Kapag may pambili)

Message

Ugaliing magcheck ng messages at notifications na may kinalaman sa online store mo. Gugustuhin ng tao na makipagnegotiate sa mga taong gusto silang kausap.

Good service

Umpisahan mo ng maging mabuting tao bes. Bago bumili ang buyer, titignan muna nya ang profile mo at ang mga sinasabi ng tao tungkol sayo.

Good image = good service = good items = good money!

Sige ka baka pakyaw pala ng paninda mo ang gagawin ng future buyer mo.

Shipping

Dahil virtual store lang ang meron ka, isipin mo na agad kung sa paanong paraan mo ipapadala sa buyer ang nabili nilang item. Wag nang mastress dahil andyan sila LBC, JRS etc. para tulungan ka.

Wag kalimutan ilagay sa item page kung pano mo ipapadala at halaga ng shipping fee kung meron man.

Naks! May natutunan ka nanaman sa Divisoria Tips bes!

Don’t underestimate the power of online selling bes. Dito wala ka ng babayarang saleslady, pwesto at kuryente. San ka pa diba?

In short

Iniisip ko kung pano ishiship ang pagbili ng eroplano online eh. Buti nalang wala akong pambili talaga ng eroplano nu.

In shortest short

Pang fulltime work man o sideline, basta may item kang maibebenta pwede ka rito! Hello BIR!

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply