Tawad Tips: The “Arte” of Haggling

Walang saya ang pamimili kung makukuha mo ang item na gusto mo sa pinakamurang halaga di ba bok?

Naks naman! Mapunta ka man sa Divisoria o ibang tiangge dapat marunong kang tumawad.

Fixed price daw na 300 pero nabili mo ng P150. Huwaw talaga!

Kung gustong makamura o makatawad sa mga gustong bilhin pero hindi alam kung pano…

Ala eh! Andami kong tips na maipapayo sayo bok.

Kung ang iba ay may tinatawag na THE ART OF HAGGLING, ako naman ay may tinatawag na ‘The ARTE of haggling’

Tsk. Hindi yan typo error. Arte talaga yan as in katulad ng talento ng mga artistang napapanuod natin sa tv. ARTE.

Hindi ata biro ang makipagtawaran at kailangan mo rin ng talent para sa presyong gusto mo. Agree?

Kaya eto na sila.

Presenting…

Tawad Tips: The Arte of Haggling

The Boy Abunda Tawad Style

Be like him bok pero di kailangan magpakalbo at magsuot salamin ah. Style lang ng interview ang kailangan. Parang ganito:

Ikaw: “Teh, tapatan na tayo. Magkano ba talaga ang last price mo?”

See? Laking tipid sa oras nyan at di mo na kailangang pang makipagtawaran. Last price agad ang tanong. The Boy Abunda Tawad style!

The Aldub Tawad Style

Porket aldub kailangang ligawan na ang nagtitinda? Di ganun bok. Dapat ganito:

Ikaw: “Teh 20 isa nitong unan, 15 nalang isa dalawa naman kukunin ko”

It takes 2 to tawad daw eh, este tango pala. Dapat me kapartner ang bibilhin para mas mura. The Aldub Tawad Style!

The Vic Sotto Tawad Style

Tsk di kailangang maging si bossing dito. Kung marami kang bibilhin pero ayaw makipagtawaran habang bumibili dapat ganito.

Ikaw: “Te, andami kong nabili sayo ah. Gawin mo nalang P500 imbis na P590.”

Isipin ni ate di ka marunong tumawad pero ikaw pala ay isang “man of few words. Minsan na nga lang magsalita malaman pa. The Vic Sotto Tawad Style!

The Ian Veneracion Tawad Style

Dito di mo talaga kailangang magsalita para makatawad. Gayahin mo lang to:

Ikaw: (Ngiti lang, mag-ala Ian Veneracion sa kagwapuhan) (Kung di mo magaya, magpa-cute ka ng konti) (Kung di ka parin cute, move on na tayo sa kasunod na tawad tips)

Kung alam mo sa sarili mong gwapings ka edi… Wow, taas confidence! At magagamit mo yang pangpuhunan para pakiligin si ate at sya mismo magbigay ng mababang presyo sayo. Para sa piling pogi! The Ian Veneracion Tawad Tips!

The Mahal/Mura Tawad Style

Di mo kailangang maging si Mahal o si Mura para mabili ang mahal na item sa murang halaga lang. Kasi ganito lang yun:

Ikaw: “P500 ung dress? Mahal naman P250 nalang!”

Oh diba. Teka di ko sinabing makukuha mo na agad sa presyong kalahati pero dyan palang nag-uumpisa ang negosasyon.

Continuation…

Saleslady: “Masyado pong mababa. P400 po.”
Ikaw: “Mahal parin. Wala na bang imumura yan? P270 na lang.”
Saleslady: “P350. Tapat na.”

Oh diba ulit. Di man nakuha sa 50% off. Naibaba mo parin sa 30% ang babayaran mo. Pamasahe rin pauwi. The Mahal/Mura Tawad Style!

The Ruby Rodriguez Tawad Style

Di kailangang maging dabarkads para lang makatawad sa tianggian ah. Ganito lang:

Ikaw: “Hmm. Ang gaganda ng mga paninda nyo ah. Ano kayang mga bibilin ko. Ate magkano jan sa pink na tshirt? Pati jan sa blue pants? Saka jan sa yellow sando?”

Ganun un. Dapat iparamdam mo na kaya mong hakutin ang paninda nila ng makamura sa bawat item na bibilin. The Ruby Rodriguez Tawad Style!

The Vice Ganda Tawad Style

Oy di mo kailangang magpabagobago ng kulay ng buhok para maachieve ang VG style ah. Ganito lang kadali:

Ikaw: “Te, magkano sa tshirt?”
Saleslady: “150 po isa.”
Ikaw: “Ano P150!? Ang mahal naman eh ang nipis ng tela nito ah? Ilang labahan lang tyak kukupas agad to. Wala na bang ibababa pa? P100 nalang.”

Okray the item ng makakuha ng malaking discount. Haha. Pero bibilin mo parin ano. The Vice Ganda Tawad Style!

The Jolina Magdangal Tawad Style o Kapag ako ay nagmahal Tawad style

Di mo kailangang makapag-asawa ng drummer o kumanta habang bumibili ah. Ganito lang yun:

Ikaw: “Te magkano sa pantalon?”
Saleslady: “P250 po tapat na.”
Ikaw: “Ano P250? Eh P150 lang to sa isang tindahan dyan. Ganitong ganito rin style.”

Ows? Talaga? Haha. Oo. For the sake of murang presyo. Kaya wag masyadong magmamahal ng paninda ate ng di maikumpara (kunwari) sa iba. The Jolina Magdangal Tawad Style!

The Sandara Park style

Di porket mukang Koreana ka ay Koreana ka na. Di ganun. Kung ang natitinda ay Chinese, iparamdam mong may koneksyon kayo (kahit wala). Ganito nga kasi talaga un:

Ikaw: “Atsi, magkano dito?”

Atsi ibig sabihin ate sa Fookien. Di bat masarap sa pakiramdam kapag feel mong friends agad kayo ng dahil sa isang salita. Kaya search na ng basic Fookien ng makadiscount. Halos karamihan pa naman ng nagtitinda sa 168 at 999 ay Chinese. The Sandara Park Tawad Style!

The Maine Mendoza Tawad Style

Di kailangang mag-dubsmash para makatawad o kasama si Alden. Dapat ganito:

Ikaw: “P20 tong unan? P18 nalang para me pang kendi pa ko.”

See? Tawad parin un. Napanuod ko mismo si Maine tumawad sa tv kaya kanya to. Dagdag nalang ung pang kendi. The Maine Mendoza Tawad Style!

The Sheena Halili Tawad Style

Di mo kailangang maging si Sheena Halili. Ang kailangan mo ay kaibigan para sa inyong modus operandi! Haha. Basahin muna to:

Ikaw: “P350 pala tong dress. Ang ganda.”
Bestfriend: “Anong maganda? Tignan mo nga mukang kurtina.” Halika na alis na tayo.
Saleslady: “P250 nalang po ma’am para sa inyo.”

Yown oh. Kailangan lang magbitbit ka ng kaibigan na magsasabing wag ka ng bumili ng si saleslady mismo ang magbigay ng mababang presyo. Diba? Kaya wag maliitin si Sheena Halili dahil sya ata ang bes ng mga bida tulad ni Rosalinda, Sinag, Destiny Rose, Senora Santibanez atbp. The Sheena Halili Tawad Style!

The Barbie Forteza Tawad Style

Tsk. Di ko naman sinabing magpakababy face ka ng makatawad. Sundan mo lang to:

Ikaw: “Te, pwede po bang P150 nalang tong shoes imbis na P300? Ang ganda ganda ganda nya kasi kaya lang mejo kapos na ko sa pera. Sigi na po.”

Pacharming lang ang kailangan. Dapat iparamdam mong gusto mo ung paninda pero talagang short ka lang sa pambayad. Paawa epek pa more! The Barbie Forteza Tawad Style!

Kung ayaw paring ibigay sa presyong gusto mo ang paninda, dagdagan pa natin ng maiuwi mo na ang best actress award!

The Sarah Geronimo o Ikot ikot lang Tawad Style

Di ko sinabing magperform sa harap ni ate ah. Gawin mo nalang to:

Ikaw: “Anlaki parin ng binigay mong presyo. Sige iikot ikot muna ko.”

Aalis pero me intensyong bumalik. Syempre gusto ni ateng makakota kaya bago ka pa makakita ng ibang magandang bilhin, ibibigay nya na ang presyong gusto mo. The Sarah Geronimo Tawad Style!

Kung ayaw nyang kumagat sa arte mo, edi ilevel up na nating pang beauty queen. Tignan natin kung me ipapalag pa sya rito. Iyong iyo na ang korona!

The Pia Wurtzbach Tawad Style

Di mo kailangang maging beauty queen para feel na feel ang pagiging Pia Wurtzbach. Ganito lang un kasimple:

Ikaw: “Te, di ko nalang bibilin. Ang mahal eh!”

End of negotiation na agad dapat? Hindi pa yan. Pia Wurtzbach nga diba. Bago ka pa makatapak palayo, ibibigay na ni ate ang presyong gusto. Yun yun eh. Talo na nga…panalo parin sa dulo. Walang kasing tamis. Talagang mapapasigaw ka dito ng The Pia Wurtzbach Tawad Style!

The arte of haggling talaga diba?

Para sa mas mapadali ang pagtawad, dapat alam mo rin ang mga to:

Hindi baguhan sa pagtatawad: Confidence. Wag mong iparamdam ke saleslady na first time mong tatawad at baka hindi ka makafirst time.

Simple lang: Tatawad ka pero branded suot at mga gamit mo? Wag ganun. Pakita mo namang kauri ka rin ng mga magagaling tumawad.

Ngiti naman dyan: Tatawad ka pero parang galit ka sa nagtitinda? Pano ka bibigyan ng discount jan? Smile naman ng makahawa.

Suki: Kung magiging regular buyer ka edi sure win na ang tindera na me bibili sa kanya. Kapag lagi kang bumibili sa tindahan, suki na ang tawag dun at baka si ate pa mismo ang magbigay ng discount sayo.

Last piece: Kapag nakahanap ka ng last piece, sunggaban mo na! Pinapaubos nalang yan at baka malaking discount pa ang makuha mo.

TOP: o Tagalog Only Piece: Wag munang magpaka Ruffa Gutierrez dahil makikipagtawaran ka. Dapat tagalog kapag inglesero ka ay malamang taasan pa ang presyong bibilin mo.

Golden rule: Ang pinakaimportante sa lahat dapat ‘Wag mahihiyang magtanong kung me tawad ba ito, me tawad ba ito’. Haha pag sinabing wala, baka naman sa de resibo ang stores na tinatanungan mo. Wag ganun. Tiangge lang tayo.

In short

Kung gusto mo talaga sya patunayan mo! Hindi ka pa nga nagsasalita pakiramdam mo hihindi na agad sya sayo. Wag ganun dong. Haha. Teka nga naiiba na ata tayo ng topic.

In shortest short

Daming Tawad Tips anu. Nasa sayo na yan kung anong mas bet mong gamitin. Kapag hindi ka nakatawad sa presyong gusto mo eh magmove on at ibang arte naman ang ipractice mo dong.

Anong pinaka the best Tawad Tips para sayo? I-comment na yan!.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply