TOP

Teka, bakit tagalog tong binabasa ko?

Nagtataka ka ba kung bakit nasa wikang Tagalog o Pilipino ang Divisoria Tips?

Kung ang call center agents ay may EOP (English Only Policy) sa opisina, ang Divisoria Tips naman ay may TOP o Taglish Only Policy. Orig itong Tagalog Only Policy pero ginawang Taglish dahil may mga salita at expression na mas magandang ipapahayag sa salitang english.

Huh? Pauso?

Tsk. Oo na.

Para din satin to. San ba ang punta natin? Guys, we’re heading to Divisoria or tianggian kaya no need to speak in english muna ng masanay.

Kung di mo type magbasa sa wikang Pilipino, maaari mong itranslate ang anu mang article na mababasa mo basta hindi namin masisigurado na mamamaintain ng Divisoria Tips ang nilalaman o nais sabihin.

Example

Advantage
Kung ikaw ay foreigner na nagnanais magpunta sa Pilipinas o masanay sa wikang Pilipino. Geez, this site is best suit for you to learn the language at baka mahalin mo pa ang Divisoria kakabasa at mapapunta ng biglaan.

Disadvantage
Kung ayaw mo sa istilo ng pagsulat ng Divisoria Tips eeeeeeh yun lang!

Anu’t ano pa man, basta usapang shopping at selling, dito ka na!