Tutuban Center Mall: Nagtinda. Nasunog. Nagmaganda.

Knock! Knock!

Who’s there?

Tutuban!

Tutuban who?

Bakit di nalang TUTUBANin ang lahat ang kailangan koy paglingap.

Haha. Sigi na awat na. Pero wag namang Tutubanin ang buong Divi ng mabigyang daan naman natin ang ibang Malls sa Divisoria. Di ba?

TUTUBAN CENTER MALL

Hindi man kasing lawak ng MOA, di naman papatalo ang Tutuban sa kasaysayan na dala nito. Wala pa ang ibang malalaking mall dyan, nakatayo na ang Tutuban at stronger than ever.

Sabi ko nga. Nagtinda. Nasunog. Nagmaganda ang Tutuban!

Sino bang di makakapansin sa paglevel up nito ngayon kung ganda rin lang ang pag-uusapan.

Bes, iba na sya! Dahil nabili na ng Ayala, tiyak na mapapalingon ka.

Aba, sa labas pa lang ng Mall, pansin mo na angg kinaganda nito dagdag pa ang maraming security guards visibility para sabihing safe ka dito bes!

PANINDA

From outside to inside, kabog ang ibang mall dahil sa uniformity ng mga stalls nila. Kung presyo naman ang pag-uusapan, tsk, wag mabahala dahil for bargain hunters ang mga tindahan nila.

ANONG MERON DITO NA WALA ANG IBA

Kung nagyayayang mamasyal si bunso, wala kang talo sa Tutuban. Maganda na mura pa! Medyo classy na ang look, may songs pang ipapatugtog para feel mo ang pamimili.

Walang oras magshopping sa umaga? Sabing wag mabahala dahil sagot sya sa problema mo! Mula 8-12mn, nagtatransform ito bilang Tutuban Night Market kung saan abot kaya parin ang mga paninda at take note, pwede pang tumawad!

RATING NG PANINDA

4
Tutuban to eh!

RATING NG MALL

4
Tutuban nga to eh!

In short

Magmove on ka na dahil kahit mall nagmomove on na rin. Kung de kalidad na mall at murang paninda hanap mo sa Maynila bes, baka Tutuban ang sagot sayo! TUTUong BArgaiN dito!

#nagtindanasunognagmaganda

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply