Tutuban Night Market: Shopping muna bago matulog

Tutuban night market: Shopping muna bago matulog

Trabaho sa umaga, shopping sa gabi?

Tsk. Sarado na mga mall miss.

Pero kung talagang gusto mo eh anu pang inaantay mo? Tara na sa Tutuban Night Market!

Anu? Saan? Bakit at Paano ba ang mga tanong mo? Lahat yan sasagutin natin isa-isa.

Anu ang Tutuban Center Night Market?

Tsk tsk. Yan tayo eh. Night Market nga! Ito ay open sa lahat ng tao na sa gabi lang pwedeng makapagshopping kung kailan sarado na ang mga mall. Laking tulong di ba. Mainam ito sa mga nakatira sa Manila pero kung medyo may kalayuan ang bahay mo edi ngayon pa lang bumyahe na!

Saan matatagpuan ang Tutuban Center Night Market?

Sus! Alam mo yan syempre! San pa ba edi sa Tutuban! Tsk…tsk! Kapag nakita mo na ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Divisoria, wag ka ng magtanong pa kung san banda yun dahil nasa Tutuban Night Market ka na! Basta siguraduhin mo lang na 8-12mn ka pupunta at hindi umaga o hapon ah. Tip lang.

Bakit ka pupuntang Tutuban Night Market?

Sabi mo gusto mong magshopping kahit gabi? Ikaw talaga. Yung totoo, kung gusto mong magshopping ng walang worries sa safety, dito ka na dahil kalat ang security guards nila.

Divisoria Tawad Tips: The Arte of Haggling

Paano mo ako mapapapunta sa Tutuban Center Night Market?

Well, well, well, kung nakapunta ka na dati sa Tutuban… punta ka ulit! Abat malaki na ata ang pinagbago ng Tutuban Center Mall at Night Market ngayon!

Di nga?

Walang tiwala? Oo nga!

Security

Wag basta maliitin ang tianggian dito dahil super safe ng mamili. Bukod iniinspeksyon ang mga gamit at security guard sa entrance, may mga nakakalat naring security guard sa loob mismo ng Night Market!

Mababang Presyo

Naku po! Di hamak na mas mura ang paninda ng mga nagtitinda sa gabi kung ikukumpara sa umaga. Kung gusto pang mas makamura sa presyo, alamin lang ang The Arte of Haggling.

Open Area

Iba to! Kung hamog ng gabi ang gusto mo eh magpahangin ka na habang namimili. Basta siguraduhin lang na di uulan ng di mabasa.

Kainan

Wag mag-alala kung magugutom dahil tyak na me makakain ka.

Papunta ka pa lang pabalik na ko

Literal to ah. Di tulad ng ibang tiangge o Night Market, di ka maliligaw dito. Kung may nalagpasan kang tindahan, wag mabahala dahil madadaanan mo ulit yun. Paikot lang naman night market at hindi maze. Tao tayo nu!

In short

Hindi porket may tianggian na bukas gabi-gabi ay pupuntahan mo na gabi-gabi. Wag ganun miss. Di sa lahat ng pagkakataon maia-apply mo ang kasabihang “Everything happens for a reason”. Tsk. Wag ng dahilan pa.

P.s.
Wag masyadong magpagabi ng may masakyan pa pauwi.

Avatar

zen

Ako ay isang blogger, online seller at crypto trader.

Leave a Reply